Friday, November 25, 2011

Radio show - Buhay, Pamilya at Bayan





Radio show - Buhay, Pamilya at Bayan
featuring "Alalay sa Pamilya at Bayan"
on December 4, 2011, 11AM - 12NN


Sharing here the SCRIPT (questions) for the Dec. 4 episode:

RMN, DZXL, “Buhay, Pamilya at Bayan”: Dec. 4, Sunday, 11AM-12NN: “Alalay sa Pamilya at Bayan”

PATALASTAS:

--RMN

--Alliance for the Family Inc. (ALFI)

--ProLife Philippines Foundation Inc.

--Defending Family Values Inc.

--FilipinosForLife.com

Host: Isang mapagpala at mapagpalayang umaga sa lahat ng ating mga tagapakinig! Lubos ako’ng nagagalak at muli tayong nagbabalik sa ating palatuntunang: “Buhay, Pamilya at Bayan”. At doble ang aking kagalakan sapagka’t sa wakas ay itatampok sa umagang ito ang isang paksang kaugnay ng layunin ng ating programa: Mga inisyatibang makapagtutulak ng edukasyon at pagbabago para sa mga kababayan natin, lalong lalo na para sa mga mahihirap. Kasama natin sa himpilan ang mga panauhin na kapwa kong kasapi sa grupong nagngangalang “Alalay sa Pamilya at Bayan Foundation” na, mula nung nakaraang taon, ay naglilingkod sa taong bayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng training in VALUES sa mga mag-aaral at mga guro ng iba’t ibang public schools dito sa kaMaynilaan. Bumati muna kayo, mga kaibigan...

Question 1: Marievic: Maaari mo bang itukoy para sa ating mga tagapakinig ang mga layunin ng “Alalay sa Pamilya at Bayan Foundation”? Saan ba nakatuon ang pansin ng mga kilos natin sa Foundation na ito?

Question 2: Maraming Salamat po. Bago ko po makaligtaan, kung nasa Facebook po ang ating mga tagapakinig, mangyari lamang na hanapin ang pahingang “Alalay sa Pamilya at Bayan Foundation” at mag “like” po kung nais nyong malaman ang mga pangyayari o di kaya’y makibahagi sa aming mga gawain. Batid ko po ay nagsimula po ang trabaho sa Alalay sa Pamilya at Bayan sapagka’t pinakiusapan ang may-ari nito, si Mrs Annabelle Brown, ng mga kung ilang public schools na maghatid sa kanilang paaralan ng classes on Values, kasama na rin ang Katesismo at Academics sa loob ng kanilang paaralan. Pakikwento po ang kasaysaying ito: alin-aling mga paaralan ito, at ano ang nilalaman ng mga klaseng ibinibigay ng volunteers?

Question 3: Nabanggit natin na ang pangunahing naghahatid ng mga klaseng ito ay mga VOLUNTEERS. Paano natin nakuha ang mga volunteers na ito at sinu-sino sila? Magpanawagan po kayo sa ating mga tagapakinig.

Question 4: Pag-usapan natin ang volunteering at volunteer work. Anu-ano ba ang mga benepisyo ng pagvo-volunteer? Anong makukuha ng ating mga kaibigan at mga tagapakinig dito, kung anyayahan natin sila?

Question 5: Mga kaibigan, kamakailan lang ay napag-usapan namin ni Marievic ang hanay ng mga VALUES na napakahalagang pag-usapan natin at ituro sa ating mga kababayan. Pag-usapan natin ang mga ito... [Kasipagan, Katarungan, pagiging responsable sa paggamit ng oras, pagpipigil sa sarili at pagtitiis, pagpapakumbaba, kooperasyon at teamwork, katatagan ng loob, pagiging tapat, kalinisan/kadalisayan ng puso]

Question 6: Gusto kong i-advertise ang Foundation nating ito, at ang mga iba’t iba pang Foundation na ang nagma-may-ari ay sina Dr. Walter Brown at ang kanyang maybahay na si Mrs. Annabelle Brown. Para sa kaalaman ng ating mga tagapakinig, ang inang kumpanya ng lahat ng ito ay ang “A. Brown Company, Inc.” at ang website ay: http://www.abrown.ph/ Pwede mo bang ikwento ito at pati narin yung: PCDW at DAWV?


No comments:

Post a Comment